Infinito: Salinlahi-Chapter 77

If audio player doesn't work, press Reset or reload the page.

Chapter 77 - 77

Wala nang nagawa si Esmeralda kun'di ang ikuwento kay Silma ang nangyari. Nanlalaki naman ang mga mata mg ginang at lahat ng reaksyon nito ay inabangan nila at pilit na binabasa.

"Kung gano'n ay pinaghihinalaan niyong ako ang may gawa? Esme, masama lang ang ugali ko at inaamin ko nananakit ako minsan, pero hindi ako aabot sa puntong papat*y ako ng tao at kailan ba kita pinagtangkaan? Kung gusto ko talagang saktan ka o pat*yin ka, eh di sana noon pa. Ang dami kong pagkakataon noon, pero hindi ko naman ginawa, hindi ba?"

Marahang tumango si Esmeralda habang nakatuon ang pansin sa mga mata ni Silma. Animo'y hinahanap ng kusa ng sarili niya ang katotohanan sa mga mata nito. Bumabalik-balik rin sa isip niya ang mga babalang iniwan sa kaniya ni Lola Salya.

"Sana nga po Tiya," tanging nasabi lang ni Esmeralda. Pagpasok naman nila sa loob ay sumunod na rin si Silma. Sa kusina, naabutan nila si Margarita na nag-aasikaso ng almusal. Si Armando naman ay nakaupo sa harap ng mesa, nagkakape kasama ang asawa ni Margarita.

"O, Esme, narito pala kayo, tamang-tama amg dating niyo. Sabayan niyo na kaming mag-almusal." Alok ni Margarita.

"Magandang umaga po tiya, tiyo. Lolo, mano po." Bati ni Esmeralda na sinundan naman ni Liyab. Nagmano sila sa matanda at tuwang-tuwa naman si Armando nang makita sila.

"Kaawaan kayo, sige na maupo na kayo." Utos ni Armando at naupo na sila.

Sabay-sabay na silang nag-almusal at wala ni isa sa kanila ang nagsalita. Si Ismael na ang bumasag sa katahimikan matapos silang kumain.

"Rita, may binigay ka bang puto kay Esme noong isang araw?"

Napahinto si Margarita sa direktang tanong ni Ismael. Marahan niyang inilapag sa lababo ang mga plato at tumingin sa kanila.

"Oo kuya, inutusan ako ni Ate Silma." Sagot ni Margarita. Kalmado ang ekspresyon nito at ni hindi man lang kumurap. Nang lingunin ni Esmeralda si Silma ay nakita niya ang pagtataka sa mukha nito.

"Ako? Wala akong binibigay na puto sa'yo. At Margarita, alam mong hindi ako nagluluto ng puto dahil hindi ko alam iyon." Giit ni Silma.

Tila nagkaroon naman ng bitak sa ekspresyon ni Margarita nang sabihin iyon ni Silma. Napakunot ang noo nito at saka naman bumuntong-hininga.

"Alam ko ang sinasabi ko Ate, ikaw talaga ang nagbigay. Ano iyon, may nanggagaya sa'yo?"

"Kahit pa, dapat alam mo. Dapat nagtaka ka, kung may nanggaya man sa akin at sinabi niyang siya ang nagluto ng puto, alam mo dapat na hindi ako iyon. Dahil una sa lahat, wala akong alam sa paggawa ng mga ganiyan. Hindi ba't ikaw ang mas nakakaalam sa pagluluto mg mga kakanin?" Katuwiran ni Silma.

Tila napipilan naman si Margarita at napansin ni Esmeralda ang panandaliang pagbabago sa ekspresyon nito. Tila segundo lamang iyon subalit hindi iyon nakatakas sa mga mata ni Esmeralda at Liyab.

"Hayaan niyo na, wala namang nangyari, nagtatanong lang naman kami," sabi ni Liyab upang alisin ang anomang hindi pagkakaunawaan.

Agad na natawa si Ismael at sinakyan ang sinabi ni Liyab. Doon ay kitang-kita ni Esmeralda ang pagbuga ng hangin ng asawa ni Margarita.

Matapos ang kanilang pag-uusap ay lumabas na sila upang magtungo sa bukid. Kasama nila noon si Armando, habang sumunod naman si Silma at Roger bitbit ang dalawang bayong.

Pagdating sa bukid ay doon naman tila huminto ang oras sa kanila.

"Nakita mo ba Esme?"

"Opo, amang. Hindi ako puwedeng magkamali. Kitang-kita ng ikatlo kong mata ang isang nilalang. Amang, hindi si Tiya Rita ang kasama natin sa bahay. At lalong hindi ang asawa niya ang lalaking iyon." Pagtitiyak ni Esmeralda.

"Tama ang hinala ko? Imposibleng hindi malalaman ni Rita ang tungkol sa walang kaalaman ko sa pagluluto ng mga puto o kakanin, dahil palagi pa nga niya akong tinutukso noon. Pero nasaan si Rita?" Usisa ni Silma. Bumakas sa mukha niya ang pag-aalala. Balisa naman at tila hindi mapakali si Roger nang mga sandaling iyon.

"Ibig sabihin, kumikilos na sila. Natatandaan ko, bago ako palawalan ng mga engkanto, may babala silang sinabi sa akin. Noong una, binalewala ko ito, pero dahil sa pangyayaring ito, mukhang may katotohanan ang mga babalang iyon ." Paglalahad ni Roger at lahat sila ay napatingin sa kaniya.

"Bakit hindi mo kaagad sinabi sa amin, Roger. Dapat sana ay nakapaghanda tayo." Sita ni Silma.

"Paano ko sasabihin kung hindi ko maintindihan. Ngayon ko lang naunawaan nang mangyari ito. Hindi mo alam, napakatalinhaga ng mga engkanto sa pagbibigay ng babala. Hindi nila direktang pinapahiwatig iyon. Gumagamit sila ng mga matatalinhagang salita na kahit ang pinakamatalinong tao ay hindi kayang arukin. Paano naman ako?" Katuwiran naman niya.

"Tama si Tiyo Roger, Tiya. Hindi mo agad-agad mauunawaan lalo kapag matataas na engkanto ang nagbigay ng babala. Hindi natin kailangang magsisihan rito. Ang mahalaga, nalaman natin kung sino ang ating bibigyan ng pansin. Sa ngayon, magkunwari muna tayong walang alam. Mag-akto kayong normal sa harapan nila, gagawa kami ng paraan ni Esme na subaybayan ang bawat kilos nila." Saad ni Liyab at sumang-ayon naman ang lahat.

Dahil sa kanilang nalaman, nagbigay ng utos si Liyab sa mga kauri niya na palihim na magmasid sa bahay nina Ismael. Binigyan rin nila ng proteksyon ang bawat taong nakatira roon.

Tinawagan rin ni Silma ang mga anak niya sa lungsod upang kamustahin amg lagay nila at ng mga anak ni Margarita. Ganoon na lamang ang paghikbi niya nang malamang wala roon ang mga bata.

"Huminahon ka Silma. Sigurado ba ang mga anak mo na wala doon ang mga pinsan nila?" Tanong ni Ismael. Pilit niyang pinapakalma ang sarili kahit punong-puno na ng kaba ang kaniyang dibdib.

"Oo kuya, pinuntahan nila ang bahay na tinutuluyan nila, pero walang tao doon. Parang matagal na raw na hindi napupuntahan dahil lahit sa labas ay maagiw na. Ang sabi naman ng mga kapitbahay, matagal nang walang nagpupunta roon."

Pagsagot ni Silma at dito na nabahala si Ismael. Agad niyang tinanguan sina Esmeralda at Liyab.

"Tay, dumito muna kayo sa kubo, Silma, umuwi ka sa bahay, bantayan mo sila. Hindi niyo kailangang mabahala dahil nasa paligid lang ang mga gabay ni Esmeralda." Utos ni Ismael.

Tumango si Silma. " Sige Kuya, balitaan niyo ako agad. Diyos ko, huwag naman sanang tama ang kutob ko." Umiiyak na wika ni Silma.

"Sige na Mael, puntahan mo na si Rita. Alamin mo ang nangyari, pakiusap." Tila nanghihinang utos ni Armando.

Read latest chapters at freёweɓnovel.com Only.

Nagmamadali nang umalis ang tatlo. Pagdating sa labasan ay agad silang pumara ng traysikel. Nasa ikaapat na purok pa ang bahay ni Margarita at nasa dalawampung minuto rin ang gugugulin nila sa byahe.

Pagdating sa naturang purok ay bumaba sila sa harapan ng mismong bahay ni Margarita. Agad na nakita nila ang tila nabubulok na haligi ng bahay nito. Walang bakas ng taong nakatira roon. Nagtataasan na rin ang mga talahib sa bakuran.

"Bakit parang wala ng nakatira rito?" Nagtatakang tanong ni Esmeralda habang hinahawi ang mga talahib para may madaanan sila. Pagdating nila sa pinto ay bumungad naman sa kanila ang sirang pinto, nakatabingi na ito at wala na ang isang bisagra nito na siyang nagkakabit sa hamba nito.

"Amang, masama ang kutob ko rito." ani Esmeralda sabay tulak sa pinto. Bumukas naman ito ngunit bumungad sa kanila ang magulong kasangkapan sa loob. Ang makapal na amoy ng alikabok ang agad na bumungad sa kanila.

Nagmamadaling inikot naman ni Ismael ang buong lugar at halos manlumo siya sa kabuuan ng bahay.

"Ano'ng nangyari, Diyos ko. Nasaan ang kapatid ko?" Pagtangis ni Ismael. Nag-ikot pa sila hanggang sa marating nila ang isang silid.

Tila dinaanan ng bagyo ang lugar na iyon. May mga bakas ng natuyong dugo ein silang nakita sa lupa. Nangingitim na iyon ngunit batid pa rin nilang dugo iyon. Mula sa kanilang kinatatayuan, sumambulat sa kanila ang dalawang kalansay na animo'y magkahawak pa ng kamay.

Doon na lalong napaiyak si Ismael. Suot kasi ng kalansay ang paboritong bestida ng kapatid niya. Kilala niya ito dahil siya ang mismong nagbigay kay Margarita.

"Margarita?" Nanlulumong lumapit si Ismael sa kalansay. Isa pang naging patunay niya ang singsing na siyang naging simbolo ng pagmamahalan nila ng kaniyang asawa.

Napaluhod si Ismael sa harap ng mga kalansay at tila binagsakan siya ng langit at lupa.

Wala namang nagawa sina Esmeralda at Liyab kun'di ang tahimik na damayan ang kanilang ama.

Matapos ang ilang minutong pagluluksa ay maayos niyang inilagay sa puting kumot ang mga kalansay. Maayos niynag binalot ang mga ito at tinungo naman ang isa pang silid. Doon naman niya nakita ang kalansay ng dalawa pang tao na paniguradong mga pamangkin niya.

Sa kalagayan ng mga kalansay, malamang ay taon na ang lumipas nang mangyari ito. Wala silang kaalam-alam dahil naging panatag sila na nakikita ang impostor na Margarita.

Tulong-tulong silang naghukay sa likod ng bahay nina Margarita. Nagsagawa sila ng ritwal ng libing at nag-alay ng dasal para sa ipapayapa ng mga kaluluwa nila.

"Patawarin mo sana ako Margarita, kung sana'y naging mapagmatyag ako, hindi sana nagtagal ang paghihirap niyo. Masyado akong naging abala sa panggagamot at hindi ko man lang nadalaw itong bahay mo. Hayaan mo, gagawa kami ng paraan para bigyan kayo ng hustiya." Bulong ni Ismael sa hangin.