Infinito: Salinlahi-Chapter 80

If audio player doesn't work, press Reset or reload the page.

Chapter 80 - 80

Sa paghugot ni Esmeralda sa kaniyang itak, lumikha iyon ng nakakangilong tunog na naging dahilan ng pag-atras nang bahagya ng nilalang.

"Sige, sugod!" Paghahamon niya rito. Mabilis siyang naglaho sa kaniyang kinatatayuan na tila isang kidlat. Ang dating bilis niya ay tila mas dumoble pa ng mga oras na iyon.

Walang pag-aatubili niyang inundayan ng malalakas na saksak at mabilis na hiwa ang nilalang, bawat galaw ay puno ng galit at determinasyon. Nagmistulang laruan sa harapan niya ang napakalaking nilalang na iyon. Wala itong magawa habang nagpapaulan ng taga ang dalaga sa katawan ng halimaw.

Napaurong ang nilalang, hindi nito inaasahan ang taglay na lakas ni Esmeralda. Ngunit sa halip na umatras nang tuluyan, lalo lamang itong nagngitngit. Umalingawngaw ang isang malalim na ungol mula sa lalamunan nito— isang ungol na tila nagbabadya ng kapahamakan.

“Hindi mo ako kayang talunin, Esmeralda,” bulong ng nilalang na siyang nagpaalerto kay Esmeralda.

Napangisi siya. "Nagsasalita ka pala, sino ka?"

Humalakhak ito. "Hindi mo na kailangan pang malaman. Dahil sa gabing ito, akin ang buhay mo!" Mabilis na kumilos ang nilalang, napakabilis na animo'y wala itong iniindang malubhang sugat.

"Esme, yuko!"

Awtomatikong napadapa sa lupa si Esmeralda at isang malakas na hangin ang dumaan sa gawi niya. Pagtingala niya ay nakita niya si Liyab, nakabaon sa katawan ng nilalang ang matalas nitong espada.

Bumagsak sa lupa ang malaking nilalang at napatayo naman si Esmeralda.

"Kunin na ninyo ni Dodong ang mga taong iyan at ilayo rito, ako na ang bahala sa mga natitirang aswang. Mahihina lang sila at kakayanin ko nang mag-isa." Utos ni Liyab. Hindi naman nagdalawang-isip na sumunod si Esmeralda. Sa tulong ni Dodong, tagumpay nilang nailayo mula roon ang mga kalalakihan. Karamihan sa mga ito ay sugatan, iilan ang may malubhang sugat kabilang na roon ang kanilang boss.

Malayo pa sila sa tribo ay nagsisigaw na si Dodong. Tumakbo naman sa kanila angnmga katutubo at ito na ang umalalay sa ibang sugatan na dalhin sa malaking kubo na nasa gitna ng kanilang tribo.

Doon ay sinimulang linisin at gamutin ng mga katutubong may alam ang kanilang mga sugat. Napuno ng iyak at ungol ang kubong iyon.

"Ang tatapang niyo kanina, pero bakit kayo umiiyak ngayon? Nagbabala kami, kaya wala kayong sisisihin kun'di ang mga sarili niyo. Ilang araw na rin kaming nagsasabi na umalis na kayo, pero hindi kayo nakinig." Sumbat ng isang katutubo. Gumagawa ito ng apoy sa palibot ng kubo bilang proteksyon at para na rin lumiwanag ang paligid.

Wala ni isa ang sumagot sa kanila, bagkus ay lalo lang lumakas amg mga hikbi at ungol nila dahil sa sakit.

"Pambihira kayo!" Umiling na lang ang lalaking katutubo at marahas na itinapal sa mga sugat nila ang gamot.

Hindi naman nakaramdam ng awa sina Esmeralda at Dodong para sa mga ito. Sa isip-isip nila ay kulang pa iyon dahil sa ginawa nilang pagsira sa kagubatan.

Ilang sandali pa ay dumating na si Liyab, nasa katawang tao na ito at bitbit ang sandata nitong balot na ng dugo. Agad nitong nilapitan si Esmeralda at kinumusta at saka tumingin sa mga sugatang ginagamot ngayon ng mga katutubong babaylan kasama si Apo Salya.

"Mga ordinaryong aswang ang karamihan sa pinadala nila. Marahil ay para mangolekta ng pagkain. Hindi nila inaasahan na naririto na tayo. Pero sa tingin ko, sa susunod na gagawi sila ay malalakas na ang kanilang ipapadala." Komento ni Liyab.

This chapt𝓮r is updat𝒆d by ƒreeωebnovel.ƈom.

"Panigurado." Sang-ayon naman ni Esmeralda.

Muling naging tahimik ang kanilang gabi. Nakaupo sila sa harap ng kubong pinagpapahingahan ng mga sugatan at nagbabantay. Habang ang mga katutubo naman ay nagsiuwian na sa kanilang mga bahay. May iilang kalalakihan na langa ng natira upang samahan sila at asikasuhin ang mga sugatan.

"Humanda ka Esme, nararamdaman ko silang magmamasid. Mukhang ang mga lalaking ito ang kanilang pakay." Wika ni Liyab.

Naging alerto naman si Esmeralda, nararamdaman rin niya ang presensiya ng mga aswang na nakamasid sa kanila.

Inilabas na ni Esmeralda ang kaniyang itak habang si Dodong naman ay inamoy-amoy pa amg lupa.

"Malapit lang sila, naaamoy ko na ang panghi ng mga kaluluwa nila." Komento naman ni Dodong na muntik nang magpatawa kay Esmeralda.

"Ano ba naman Dong, seryoso tayo rito tapos ganiyan ka?" Nagpipigil ng tawang wika ni Esmeralda.

Inosenteng napalingon naman ang bata kay Esmeralda. "Seryoso ako ate, mapanghi kaya. Parang gusto ko tuloy maglinis ng bakuran, hindi ako makakatulog kung ganitong may umaalingasaw."

"Sige na Dong, maglinis ka na, dito lang kami sa likod mo." Wika ni Liyab at kumislap ang mata ni Dodong sa tuwa. Walang anu-ano'y parang kidlat itong naglaho sa kanilang paningin at nang sumunod na segundo, dalawang aswang ang tumilapon sa harap nila.

Buto't balat ang anyo nito at napakaitim ng kanilang buong katawan. Tulad ng sinabi ni Dodong, umaalingasaw nga ang mabahong amoy sa mga ito.

Magkahalong angil at ung*l ang ingay na nililikha ng dalawa habang pilit na tumatayo mula sa kinalalagpakang lupa. Tila naging isang mabangis na leon naman si Dodong na nakikipaglaro sa kaniyang pagkain. Walang awa niyang pinaglaruan ang mga aswang sa kamay niya.

"Hindi pa rin ba nadadala ang namumuno sa inyo? Humanda kayo, dahil kami naman ang tutugis sa inyo." Sigaw ni Dodong bago niya kinitilan ng buhay ang dalawa nang sabay. Napasipol si Liyab habang natawa naman si Esmeralda.

"Paano pa nila malalaman, tinapos mo amg dalawa. Sino amg maghahatid ng babala mo ngayon niyan?" Pigil-tawang tanong ni Esmeralda.

Napakamot ng ulo si Dodong at saka ngumisi. "Kailangan ba ng babala ate? Sinabi ko lang talaga iyon para astig. Narinig ko kasi iyon sa pinapakinggang palabas sa radyo ni Manong Simon."

Lalo namang natawa si Esmeralda sa naging tugon ni Dodong. Kahit gaano man kaseryoso ang sitwasyon, nagagawa pa rin nitong pagaanin ni Dodong.

Nagpatuloy sila sa pagmamasid at salitan ang ginawa nilang pagtulog. Halos madaling araw na rin nang makatulog sila nang payapa dahil nagising na rin ang ibang katutubong magbabantay sa kanilang teritoryo. Sikat na ang araw nang magising si Esmeralda at agad na silang naghanda.

"Lola, aalis na po kami."

"Gabayan sana kayo ng Panginoon. Mag-iingat kayo sa inyong paglalakbay." Wika ni Apo Salya.

"Maraming salamat sa pabaon mo lola, babalik po kami nang ligtas." Nakangiting wika ni Esmeralda.

Matapos nag maikling pamamaalam ay tinapunan naman ng masamang tingin ni Esmeralda ang mga nakahigang minero.

"Kami na ang bahala sa kanila, sisiguraduhin naming makakaalis sila rito sa oras na gumaling na ang malulubha nilang sugat." Saad ng matanda at napatango naman ang dalaga.

"Sige po lola, kapag naligaw sila ulit at nagtangkang sirain ang gubat, hayaan niyo na sila at huwag na kayong mag-aksaya ng oras na iligtas pa sila. Tama na ang isang beses na mabigyan sila ng isa pang pagkakataon na mabuhay." Matalim na tingin ang muli niyang ipinukol sa lider ng mga minero bago tuluyang tumalikod.

Malawak ang kabundukan ng Luntian at nahahati pa ito sa tatlong maliliit na tugatog. Nasa hilaga ang tutunguhin nilang lagusan na siyang lalapatan nila ng selyo. Kailangan mauna sila sa mga alagad ng dilim upang hindi nila ito magawang buksan.

"Malayo po ba ang kinaroroonan ng lagusan ate?" Tanong ni Dodong.

"Oo, medyo malayo. Sa katunayan, wala pa tayo sa kalahati. Matarik na rin ang daan dito dahil paikot na tayo mula sa pinanggalingan natin. Pagkatapos nito, bababa tayo sa bangin at muli tayong iikot patawid sa kabilang tuktok ng bundok." Sagot ni Esmeralda.

"Kailangan din nating mag-ingat dahil wala na tayo sa teritoryo ng mga gabay, ang ilang pare mg gubat ay nasakop na ng mga aswang at nagkukubli lang sila sa paligid." Dugtong ni Liyab.

"Wala naman sigurong aatake sa atin dahil umaga ngayon, kuya. Kung mayro'n man, humanda talaga sila sa akin." Maangas na wika ni Dodong.

Akmang sasagot ai Esmeralda nang may dumaang bato sa kaniyang harapan. Kung hindi niya ito naramdaman at hindi agad siya nakahinto, paniguradong nasapol siya nito sa mukha.

"Tulad niyan. Mga aswang na umaatake sa umaga." Wika ni Esmeralda. Kumuha siya ng bato at malakas na pinukol sa kung saan nanggaling ang batong tatama sana sa kaniya.

Isang hiyaw ang kanilang naririnig at maya-maya pa ay may mga kaluskos nang palalapit sa kanila.

Naghiwa-hiwalay naman silang tatlo at nag-abang.

"Umagang-umaga, nang-iinis kayo. Dadaan lang naman dapat kami. Kung ayaw niyon magkasakitan tayo, umatras na kayo." Sigaw ni Esmeralda na may kasamang. Pagbabanta.

"Mga balo? Hindi ba't mga balo ang uri nila ate? Aswang sa umaga at mahilog mangbato ng kaniyang mga biktima." Saad ni Dodong.

"Oo, at isa rin sila sa mahihinang uri, utusan at alipin ng mas matataas na uri ng mga aswang. Hayaab niyo na ang mga iyan, magpatuloy na tayo.

Nang marinig naman nila ang sabi ni Liyab ay muling nagpakawala ng tatlo pang bato si Esmeralda bago nagpatuloy sa paglalakad. Napailing lang si Liyab dahil alam niyang natamaan ng dalaga ang tatlo pang balo ma magkukubli sa mayabong at nagtataasang mga puno.